[Verse 1]
Kailan ko malilimutan
Ang wagas nating sumpaan
Kung sa twina'y alaala ko
Tamis ng ating lambingan
[Verse 2]
'Di kita malilimutan
Kahit buhay ko'y pumanaw
Tanging ikaw, aking hirang
Ang tunay kong mahal
[Verse 3]
Kahit limutin mo
Hindi maglililo
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Ay hindi magbabago
[Verse 4]
Mahal pa rin kita
Kahit lumimot ka
Ang puso ko'y handang magdusa
Lumigaya ka lang, aking sinta
[Verse 3]
Kahit limutin mo
Hindi maglililo
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Ay hindi magbabago
[Verse 4]
Mahal pa rin kita
Kahit lumimot ka
Ang puso ko'y handang magdusa
Lumigaya ka lang, aking sinta
[Outro]
Ang puso ko'y handang magdusa
Lumigaya ka lang, aking sinta