[Verse 1]
Bakit 'di kita malimot?
Bakit 'di kita maiwan?
Lalo't aking nalalaman
Ang puso mo'y salawahan
[Verse 2]
Bakit mo ako inibig
Kung ang dulot mo ay pasakit?
At ako'y naliligalig
Sa halik mong wala nang tamis
[Verse 3]
Sa bawat saglit, aking nasasambit
Na ikaw ngayon ay 'di ko na iniibig
Ngunit kung 'di kita namamasdan
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan
[Verse 4]
Bakit 'di kita malimot?
Bakit 'di kita maiwan?
Kung tunay mang ako'y mahal
Maging tapat ka sa akin, hirang
[Verse 3]
Sa bawat saglit, aking nasasambit
Na ikaw ngayon ay 'di ko na iniibig
Ngunit kung 'di kita namamasdan
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan
[Verse 4]
Bakit 'di kita malimot?
Bakit 'di kita maiwan?
Kung tunay mang ako'y mahal
Maging tapat ka sa akin, hirang