[Verse 1]
Ang buhay ay makulay kung puso ay may pag-ibig
Bawat saglit ay ligaya't aliw na walang patid
Lalo't isang tulad mo ang mag-aari sa dibdib
Wari bagang puso ko'y nahagip sa langit
[Refrain]
'Wag ka sanang alinlangan
Ang sumpa ko ay hanggang libingan
[Verse 2]
Ang pagsinta ay 'sing tibay lamang ng mga sumpa
Kung pangako'y marupok, pagsinta ay mawawala
Ang pag-ibig na sa 'yo ang aking inihahandog
Ay tatagal hanggang sa puso ko'y may tibok
[Refrain]
'Wag ka sanang alinlangan
Ang sumpa ko ay hanggang libingan
[Verse 3]
Ating damhin ang tamis at init niyaring pagsinta
At isinumpang puso'y kailan ma'y 'di mag-iiba
Ipadamang lagi ang pagsuyo sa isa't isa
Palaging sariwa sa tuwina ang pagsinta