[Verse 1]
Ang pangarap ko sa pag-ibig
Ay maging akin hanggang langit
Ang isang tapat kung gumiliw
Ang pagsuyo'y 'di mawawaglit
Matupad ko lamang ang nais
Hahamakin ko ang panganib
Sapagkat ako'y cariñosa kung umibig
[Chorus]
Ang puso, laging malulumbay
Kung lilimutin mo ang pagsintang wagas, aking mahal
Irog ko, nahan ang pag-asa
Ng tanging pagsintang wari'y magdurusa
[Verse 2]
Panaligan mo, aking giliw
Kailan ma'y hindi lilimutin
Ang iyong pagsuyo sa akin
Iingatan ko hanggang libing
Kung ako'y naging cariñosa
Sa piling mo lang, aking giliw
Ang pag-ibig ko ay asahang walang maliw
[Verse 1]
Ang pangarap ko sa pag-ibig
Ay maging akin hanggang langit
Ang isang tapat kung gumiliw
Ang pagsuyo'y 'di mawawaglit
Matupad ko lamang ang nais
Hahamakin ko ang panganib
Sapagkat ako'y cariñosa kung umibig
[Chorus]
Ang puso, laging malulumbay
Kung lilimutin mo ang pagsintang wagas, aking mahal
Irog ko, nahan ang pag-asa
Ng tanging pagsintang wari'y magdurusa
[Verse 2]
Panaligan mo, aking giliw
Kailan ma'y hindi lilimutin
Ang iyong pagsuyo sa akin
Iingatan ko hanggang libing
Kung ako'y naging cariñosa
Sa piling mo lang, aking giliw
Ang pag-ibig ko ay asahang walang maliw