[Intro]
Sa buhay ko'y labis ang hirap at pasakit
Ng pusong umiibig, mandi'y wala nang langit
At nang lumigaya, hinango mo sa dusa
Tanging ikaw, sinta, ang aking pag-asa
[Verse 1]
Dahil sa 'yo, nais kong mabuhay
Dahil sa 'yo, hanggang mamatay
Dapat mong tantuin, wala nang ibang giliw
Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin
[Verse 2]
Dahil sa 'yo, ako'y lumigaya
Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako ay alipinin mo
Ang lahat ng ito'y dahil sa 'yo