[Verse 1]
Mestiso, ang tangkad mo pa
Ang galing pumorma
Ang amo-amo ng mukha
'Di ba bida ka sa pelikula?
Bakit nasa panel na naka-amerikana
[Verse 2]
Seryoso ng mga speech mo
'Di ka na nagpapa-cute
Tulad ng ginagawa mo
Nakakagulat ka naman
Biglang naging concerned sa ating bayan
[Chorus]
Crush kita dati kasi ang galing mong umarte
Idol kitang talaga sa huling ginawa mong pelikula
Panis ka na
[Verse 3]
Parang 'di bagay sa iyo
Iyang suot-suot mo mukha kang gago
'Di ba iba ang image mo
Bakit ngayo'y naka-tuxedo?
[Verse 4]
'Di mo na kasama 'yong ina
Bodyguard na lang ang gumagala
Dati script ang hawak mo
Ngayo'y gumagawa ng bill at law
[Chorus]
Crush kita dati kasi ang galing mong umarte
Idol kitang talaga sa huling ginawa mong pelikula
Crush kita dati kasi ang galing mong umarte
Idol kitang talaga sa huling ginawa mong pelikula
Laos ka na
[Verse 5]
'Di ka ba kumikita sa pelikula?
Bakit mo pinasok pangungurakot sa pulitika?
Ba't nga 'yung ibang kasamang kongresista
Gusto na lang nilang (Hey) maging bida sa pelikula
[Outro]
[Scatting]