[Verse 1]
Lihim kang hinahagkan
Sa 'king pangarap
Ang labi mong kay pula
Tulad ng rosas
[Verse 2]
Ang buhok mong kay ganda
Abot hanggang baywang
Gustong-gusto kong haplusin
Sa 'king mga kamay
[Verse 3]
Kislap ng iyong mata
Sa 'ki'y nakatitig
At nagsasabing
Tayo'y magpasyal doon sa langit
[Verse 4]
Habang yakap-yakap kita
Sa 'king mga bisig
O, anong saya
Aking nadarama, o, aking sinta
[Verse 5]
Kung panaginip lang
Ayaw kong gumising
Baka ikaw ay magtampo
At maglaho sa akin
[Verse 6]
At 'di na muli pang makita
Sa'king panaginip
'Di na muli pang malasap
Ang ating pag-ibig
[Verse 7]
Kahit malayo pa ang gabi
Ibig ko nang matulog
Nang makita ka at mahagkan
Sa buong magdamag
[Verse 8]
Ligayang walang katapusan
Malasap ko lamang
Pag-ibig na kay tamis
Kahit sa panaginip lang
[Verse 3]
Kislap ng iyong mata
Sa 'ki'y nakatitig
At nagsasabing
Tayo'y magpasyal doon sa langit
[Verse 4]
Habang yakap-yakap kita
Sa 'king mga bisig
O, anong saya
Aking nadarama, o, aking sinta
[Outro]
Sa panaginip lang
Sa panaginip lang